
Gerry Pe?alosa, Kampeon ng Bawat Pinoy
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 03 Apr 2008

Magandang araw po sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan sa pagpasok ng buwan ng Abril.
Unti-unti na pong naghihilom ang sugat sa aking mata na natanggap ko noong huling laban ko at sa huling linggo ng buwan na ito, marahil ay magsisimula na akong mag-insayo ulit para sa sagupaan sa Hunyo 28.
Habang naghihintay ako para sa susunod na laban at ang negosasyon ng kontrata ay kasalukuyang tinatapos ng aking team, ako naman ay nagre-relax at umaattend ng mga meeting. Binalikan ko rin ang aking mga libro sa kolehiyo dahil importante sa akin na makatapos sa lalong madaling panahon habang binibigyan ko rin ng quality time ang aking pamilya.
Sa April 6, manonood ako sa Araneta Coliseum upang personal na suportahan ang aking mga kasamang Pinoy na boksingero lalung-lalo na sa kaibigan ko at kumpareng si Gerry Pe?alosa.
Hindi alam ni Gerry pero isa siya sa mga tinitingala kong champion ng mundo, dahil isang magandang halimbawa siya sa lahat. Matagal na kaming magkakilala at magkaibigan at minsan ay nag-spar pa kami upang maghanda sa kani-kaniya naming laban.
Gerry is 35 years old and a 19-year professional. Last year, he won the WBO bantamweight crown from Jhonny Gonzalez. Gusto ko sanang manood sa laban niya pero sinamang-palad na hindi ako nakadalo. Ngayon, ipinapangako kong susuportahan ko siya at manonood ako sa ringside.
Gerry is a two-time champion, having won the WBC super-flyweight champion in 1997. That's 11 years ago! Bilib ako kay Gerry dahil kahit na sa edad niya, isa pa rin siya sa pinakamagaling na boxer sa buong mundo. Kahit si coach Freddie (Roach) malaki ang respeto at tiwala niya kay Gerry.
In my heart, he could have been three-division champion. I believe he beat Daniel Ponce De Leon last year but the judges saw a different fight. Hindi naman natin alam ang tadhana at kapalaran ng bawat isa sa atin pero gayunpaman, masaya pa rin ako at naging kampeon ulit si Pareng Gerry.
Sa record niya na 52 wins (KO 35) at anim na talo at dalawang tabla, at 60 na laban sa kabuuan, isa siya sa pinakamatibay na mandirigmang Pilipino na dapat mabigyan ng malaking suporta ng lahat ng Pinoy sa buong mundo.
Tinalo ni Gerry ang dating kampeon na si Gonzales dahil sa kaniyang pagpupursigi kahit na ilang beses siyang nabigo sa paghahabol ng isa pang korona. Sabi ko sa kanya, naniniwala ako na magiging kampeon ulit siya dahil sa kaniyang malaking puso at talino sa ring. Hindi niya ako binigo.
Kahit na tinalo ni Pe?alosa si Vorapin noong 2000, nakabalik ang challenger galing Thailand upang mapanalunan ang WBO bantamweight title mula kay Cruz Carbajal noong 2004 at tinalo rin siya ni Gonzalez noong 2005.
Idolo ko si Gerry dahil isa siyang professional. Naging kampeon si Gerry dahil hindi niya pinabayaan ang kaniyang kundisyon at inalagaan niya ang kaniyang katawan kahit na ilang beses siya nabigo sa paghahabol ng isa pang korona. Wala siyang bisyo at masipag siya sa pag-train.
Gerry, alam ko na magwawagi ka sa April 6! God bless.
Hanggang sa muling Kumbinasyon.
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025