Mobile Home | Desktop Version




Maraming may potential

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 22 Nov 2007

By the time binabasa n'yo itong "Kumbinasyon" ay nasa Amerika na ako, para sa commercial na gagawin ko para sa Nike. Mag-celebrate din ako dun ng Thanksgiving. Siyempre kasama kong aalis ang aking misis na si Jinkee at hindi naman kami magtagal, siguro one week lang.

Habang nasa Amerika ako, pag-usapan na rin siguro namin ng promoter kong si Bob Arum 'yung sunod kong laban.

Wala pa talagang final kung sino ang sunod kong makalaban, ang sigurado lang ay gawin ang laban sa US.

Siguro pagkagaling ko sa Amerika, may masabi na ako tungkol sa sunod kong laban.

Bago nga pala ako umalis ay tinapos ko na 'yung pelikula ko na entry for the Metro Film Festival. Sana tulad ng pagsuporta n'yo sa aking mga laban ay ganon din ang gawin n'yo sa pelikula namin.

Kapag nagbi-break kami sa shooting, nagbubukas ako ng internet at ang dami ko na nababasa, lalo na may kinalaman sa sunod ko na laban.

Marami talaga ang haka-haka, pero don't worry you'll read it first here in "Kumbinasyon" once I get back from the USA, kung ano ang mapag-usapan namin dun ay malaman n'yo.

Pero sigurado naman na lalabas din agad sa internet, baka mauna pa nga kayo na makaalam sa akin.

Natuwa rin ako sa mga comment na ipinadala ng mga fans tungkol sa huli kong kolum, na may kinalaman sa ating mga atleta na kung bakit hindi pa rin tayo nanalo ng gold medal sa Olympics.

Nanghinayang talaga ako sa ginagastos sa mga Filipino athletes, pero hindi pa rin nanalo ng gold.

Para sa akin, may mali talaga sa sistema. Una sa pagpili ng atleta, pangalawa sa training. 'Yung iba natin na atleta ay medyo matanda na, pero lagi pa rin sila ang nilalaban.

Are we running out of talents? Hindi ako maniwala. Kasi dun lang sa amin sa Gen. San, ang daming potential, pero hindi nabigyan ng tsansa, kasi wala silang backer.

Dapat siguro ang magpalakad sa ating mga atleta yong may alam sa sports, 'yong nakaranas kung pano lumaban sa mga kumpetisyon.

'Yang palakasan hindi naman talaga maalis. Pero dapat huwag masyado kasi wala na mangyari kung puro palakasan ang pairalin.

Kung talagang gusto nating manalo ng gold medal sa Olympic Games, bigyan natin ng tamang training at suporta ang mga atleta at maghanap din tayo ng mga potential, para may pamalit sa mga kailangan na magretiro.

Sana huwag sasama ang loob ng mga opisyal na nakakabasa nito, ang sa akin lang ay kung ano 'yung nakikita ko.

Hanggang sa muling "Kumbinasyon." Mabuhay!


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025