Mobile Home | Desktop Version




Alisin Ang Palakasan

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 15 Nov 2007



Noong nakaraan, nabanggit ko ang tungkol sa mga namamahala sa ating mga atleta, na kung bakit sa tagal na ng panahon ay hindi pa tayo nagkakamit ng gintong medalya sa olympic games.

Sa aking nakita, lalung-lalo na noong nakaraang Olympic Games during the parade ay mas marami pa ang mga officials na nandoon kaysa mga manlalaro and I don't understand why? Isa pa lang ito sa mga dahilan na bakit sa tagal na ng panahon ay hindi man lang tayo nakakakuha ng kahit isang gintong medalya sa Olympics.

Hindi ko intensyon na makasakit ng damdamin ng iba, o sa mga sa mga namumuno ng ating atleta, nasabi ko ito dahil na rin sa aking nakita at nalalaman. Kailangan nating mabigyan ng pansin ang mga ganitong suliranin o problema, dahil hindi pa naman huli ang lahat para baguhin ang ating pamamalakad at para naman hindi masayang ang mga paghihirap ng ating mga atleta.

Marami tayong mga magagaling na atleta na hindi nabigyan ng pagkakataon. Ang ibig kong sabihin ay maraming mga atleta na dapat alagaan ng ating Philippine Sports Commission (PSA).

Based on my experience dahil nanggaling din ako sa PSC gym, ang nangyayari kasi kung sino 'yong may malakas na backer ay 'yon ang kinukuha. Nakapag-ensayo din ako sa PSC gym noon, dahil nga gusto ko sana pumasok sa Philippine team, pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon na maging miyembro.

Sa halip ay 'yong mga tinalo ko pa ang napili sa team, dahil may malakas na backer. Naikuwento ko ang aking naging experience noon, dahil sayang ang mga atletang hindi nabigyan ng pagkakataon. Ang nais ko lang ipaalala, ito'y isa rin sa mga problema na dapat bigyan ng tugon.

I think its time to change our attitude in handling our athletes, so we can move on. As I've said, I don't have the intention to hurt someone. I just want to give suggestion and comment for the proper management of our athletes, because I'm also an athlete.

***

Anyway, napakasaya ng ating mahigit isang libong bisita galing sa iba't ibang bansa sa kanilang pagdalo ng World Boxing Council (WBC) convention na dinaluhan ng ating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang inyong lingkod po ang nagbigay ng welcome address sa ating mga bisita.

***

Ooopppsss!!! Update ng aking susunod na laban ay malapit na maayos ang negosasyon sa kung sino ang maging sunod kong kalaban. At sana maayos din na dito ganapin sa Pilipinas, lalo na kung si Juan Manuel Marquez ang makakalaban ko.

Pero, kahit sino naman makakalaban ko ay walang problema sa 'kin, basta hangad kong mapasaya ang bawat isa sa aking magiging laban. Kaya 'yan ay pakaabangan n'yo mga kababayan ko. At siyempre, nais kong pasalamatan ang lahat ng mga sumusuporta at laging nagbabasa ng "Kumbinasyon." I hope you always continue supporting our athletes and read my column always. Hanggang sa muling "Kumbinasyon." Mabuhi tang tanan.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.



Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025