
Magkaisa Na Tayong Lahat
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 08 Nov 2007
Sa mga nakaraan kong kolum ay nabanggit ko na magkakaroon ng WBC Convention dito sa Pilipinas at 'yan ay sa susunod na linggo.
Maraming mga bisitang darating dito sa atin na matataas na mga opisyal galing sa iba't-ibang bansa at isa sa mga host sa nasabing Convention ay ang MP Promotion, kasama ang Games and Amusement Board (GAB).
Mahigit sa isang libo ang dadalo sa nasabing Convention. Napakaswerte nating lahat, dahil sa kabila ng maraming lumabas na hindi magandang balita dito sa atin, ay marami pa rin ang mga bisitang darating dito. Kaya sana tulungan natin ang ating bansa, sama-sama nating iangat sa kahirapan at lalong-lalo na sa kaguluhan.
Bagamat ako'y nalulungkot dahil sa kabila ng aking paghihirap na iangat ang ating sariling bayan, ay may iilan pa ring mga kapwa natin na pilit hinihila pababa ang ating bayan.
Nawa'y maintindihan ng ating mga kababayan na hindi natin kailangang sirain ang ating sariling tahanan. Ang ibig ko lang pong sabihin ay magkaisa na tayong lahat at magkapit-bisig tungo sa ating magandang bukas.
***
Update naman po sa akin, heto busy masyado sa pag-aaral. Alam n'yo ang sarap pala mag-aral, dahil marami akong bagong natutunan at hindi rin madali ang maging college student, kailangan talaga naka-focus ka, para ding boksing at lagi kang mag-study ng lecture. Matagal ko na kasi itong pangarap, na makapagtapos sa kolehiyo, nawa'y makapagbigay ito ng inspirasyon sa lahat ng hindi nakapag-tapos ng pag-aaral, dahil naniniwala ako na ang kaalaman ay ang kayamanan na hindi mahihiram at manakaw ng sinuman.
Ang susunod kong laban ay next year pa, buwan ng Marso, pero hindi pa alam ang petsa. Maraming mga naghahamon sa akin at hinihintay ko na lang ang kumpirmasyon, kung sino ang magiging kalaban ko, dahil sa ngayon ay patuloy pa rin ang negosasyon.
Ako naman ay walang pinipiling kalaban. Basta sana lagi at patuloy n'yo po akong suportahan sa aking mga laban. Maraming salamat sa lahat ng dasal at suporta. Hanggang sa muling "Kumbinasyon." Mabuhay tayong lahat.
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025