
Kaya ni Bobby Manalo
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 01 Nov 2007

Unang-una, pasensiya na po kung hindi kayo nakabasa ng kolum ko nong Linggo. Nangampanya po kasi ako para sa kapatid kong si Rogelio.
Magpasalamat rin po ako sa lahat ng mga nagpadala ng email. Binabasa ko po lahat ng message nyo sa akin, yong comments nyo, yong mga pagpuri, yong advice. Pasensiya lang po kayo kung hindi ko kayo mareplayan lahat. Kung noon nagdaang buwan ay busy ako sa ensayo para sa laban namin ni Marco Antonio Barrera, ngayon po busy pa rin ako sa ibang bagay naman.
Yong pag-aaral ko, pati na ang iba-ibang okasyon na pinupuntahan ko, nag-eenjoy lang po ako pagkatapos ng mabigat na laban ko nong Oktubre 6.
Siyangapala, tinulungan ko ang kapatid ko na si Rogelio na tumakbo sa pagka-barangay chairman. Nanalo naman po siya at siya na ngayon ang kapitan sa Bgry. Apupong (GenSan). Napuyat ako sa pagbantay sa bilangan. Pero okey lang kasi nanalo naman si Rogelio.
Kaya nga po masyado ako naging busy noong nakaraang linggo, kasi sumama ako sa kampanya niya. Si Rogelio po ang bunso naming kapatid at presidente ng MP Promotions.
Tuwang-tuwa ako sa pagkapanalo niya, kasi nakita ko naman na seryoso siya sa pulitika. Alam ko rin na may maasahan ang kapatid ko, kasi masipag siya at mabait.
***
Ang isa ko pa na kapatid na si Bobby ay aalis na ngayon papunta sa States. May laban kasi siya sa November 23. Labanan niya si Fernando Trejo ng Mexico.
Sa mga nagtanung kung may panalo ba si Bobby kay Trejo? Siyempre naman. Naniwala ako sa kakayahan ni Bobby. Insayado rin siya dun sa Cebu sa gym ni Wakee Salud siya nag-insayu.
Kailangan lang ni Bobby tapangan pa niya sa laban, kasi medyo mas matanda na sa kanya ang kalaban na 33 years old.
Sa tingin ko dahil kaliwete si Bobby malaking pag-asa niya na ma-knockout si Trejo, na kanan.
Kailangan talaga ni Bobby manalo para makabawi siya. Yon dalawang laban niya hindi maganda ang resulta e, na-disqualified siya kay Hector Velazquez tapos knockout siya kay Humberto Soto.
Sayang naman ang pagkakataon, bata pa naman si Bobby, kaya sa tingin ko kaya pa niya mag-champion.
By the way, sa mga nagtanung kung may gym na ba ang MP sa Maynila, wala pa po, ipaayos ko pa po yong binili ko dati. Marami naman gym sa Maynila tulad ng Romano Boxing Gym sa may Valenzuela City.
Hanggang sa muling ?Kumbinasyon.? Mabuhay!
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025