Mobile Home | Desktop Version




Handa Ako Sa Tatlong Aspeto

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 07 Oct 2007



LAS VEGAS -- Sa oras na binabasa ninyo itong kolum ko, ako po ay kasalukuyang naghahanda na para sa laban namin ni Marco Antonio Barrera dito sa Las Vegas. Sabado ng gabi ngayon dito sa America. Sa ganap na ika-8 ng gabi (alas-11 ng umaga ng Linggo diyan sa Pilipinas), magkakaharap ulit kami ni Barrera sa pangalawang pagkakataon. Kung binabasa ninyo ito sa hapon, siguro, alam na ninyo ang resulta ng aming laban.

Ginawa na po namin, kasama ng aking katunggali, ang lahat ng bagay upang paghahandaan ang isa't isa upang mabigyan namin kayo ng isang magandang laban na hindi ninyo makakalimutan sa marami pang taong daraan. Sabi nga nila, "may the better man win." Ipinaubaya ko na sa Panginoon ang lahat at sa larangan ng palakasan, ang isa sa mga pinakamahahalagang bagay ay ang pagiging 100% handa sa anumang mangyayari. Manalo man o matalo, ang importante ay ibinigay mo ang lahat ng iyong kakayahan, at wala ka dapat na ibibigay na dahilan sa kabiguan. Siyempre, maraming mga bagay ang nagdudulot ng ikakasawi o ikakapanalo sa isang sagupaan.

Sa laban na ito, ako po ay naghanda ng todo, hindi lang sa pisikal at emosyonal na aspeto ng training. Marami ang hindi nakakaalam na sa larangan ng palakasan, ang mas mahalaga ay ang iyong paghahanda sa mental at ispiritwal na bahagi. Sa pinagdaanan kong maraming taon sa pagboboksing, bukod pa sa iyong paghahanda sa pangangatawan. Kung hindi ka nakapaghanda sa tatlong aspetong ito, hindi ka pa lubos na handa sa pagharap sa laban, kasama na rin sa iyong pagharap sa pang-araw-araw na mga pagsubok sa buhay.

Marahil isa sa mga pinakamahirap na sport ang boxing. Kahapon lamang, sinikap kong abutin at pagkasyahin sa aking pangangatawan ang 130 pounds. Ito ang isa sa mga pinakamahirap na araw sa buong training, ang pagpipiga sa sarili upang maabot ang tamang pinagkasunduang timbang. Marami nang mga boksingero ang natalo at nawalan ng korona sa laban hindi pa man sila umaakyat ng ring dahil hindi nila nakayanan ang pagpipiga o pag-reduce ng timbang. Ako rin, noong bata pa ako (1999), dinanas ko ang hirap at kapaitan ng pagkatalo dahil hindi ko nakuha angtimbang na 112lbs. sa laban ko kay Medgoen Singsurat.

Iyon na ang pinakahuli kong laban bilang isang flyweight at umakyat ako ng dalawang weight levels sa super-bantamweight division (122 pounds) at doon ulit ako bumangon upang tanghaling kampeon ng mundo.

Mga kababayan ko, mahalaga sa akin ang inyong pananalig at dalangin sa Diyos na sana mag tagumpay tayo sa laban kong ito. para po sa karangalan ng ating bayan hanggang sa muling kumbinasyon mabuhay!

This article is also available at Abante Online.



Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025