
Ako, Si Manny Pacquiao
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Fri, 03 Apr 2015

Nakakatuwa at nakakalungkot ang reaksyon ng mga nagbabasa sa bagong pahina na ito na ang layunin ay maipa-abot sa aking mga taga-subaybay ang aking mga panananaw sa mahahalagang isyu na kinakaharap ng ating bansa.
Nakakatuwa dahil isang araw lamang pagkatapos maipalabas ang MannyoftheMasses sa Facebook ay umabot na kaagad sa humigit kumulang 150,000 ang nagbasa sa pahina.
Nakakalungkot din dahil may ibang mga tao na sa halip na matuwa na kahit papaano ay naglaan ako ng panahon para maiparating ang aking mga nasa isip ay nagawa pang kutyain ako at hamakin dahil wala daw akong kakayahan na sumulat ng Ingles.
Dinanas ko na po ang mas matinding panglalait at paghamak noong akoy bata pa at nakikibaka upang magkaroon ng isang magandang kinabukasan.
Subali't wala naman po sigurong dahilan para kutyain ako at hamakin dahil wala naman po akong ginawang kasalanan sa bayan at sa mga Pilipino.
Meron din pong nagsabi na ang pakikipaglaban ko sa boksing ay para lamang sa pera at hindi para sa bayan.
Totoo po kumikita po ako tuwing lumalaban ako subali't ang perang kinikita ko ay pinaghirapan ko at pinagpatuluan ng pawis at dugo.
Masama po ba na ialay ko sa aking mga kababayan ang aking mga tagumpay?
Aaminin ko po. Hindi po ako ang personal na nagsusulat ng mga artikulo sa pahina na ito dahil hindi ko linya ang pagsusulat.
Meron po akong tagasulat o ghost writer. Masama po ba iyon?
Di po ba maski Presidente ng America at ng Pilipinas ay mayroon ding ghost writer?
Pero maski hindi po ako ang personal na sumusulat, ang lahat po ng nakapaloob sa mga artikulo na lumalabas dito ay galing po sa aking puso at isipan.
Kung meron man po akong pagkukulang bilang tagapagsilbi ng bayan ay humihingi po ako ng paumanhin.
Salamat po sa mga nagmamahal at nakakaunawa.
(Follow MannyoftheMasses on Facebook)
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025