
'HINDI KO MINAMALIIT ANG KAKAYAHAN NG AKING KALABAN'
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 20 Nov 2014

MAGANDANG araw po sa lahat ng aking mga kababayan lalo na sa mga masugid na tagasubaybay ng pahayagang PEOPLE?S CHRONICLE at PHILBOXING.COM.
Iilang araw na lang at inyo na pong matutunghayan ang bakbakan sa pagitan ng inyong lingkod at walang talong Amerikanong boksingero na si Chris Algieri.
Di hamak na mas malaki at matangkad ang ating katunggali, subalit ako po ay walang ni katiting na agam-agam na malalampasan natin ang labang ito.
Mas higit po ang tiwala ko ngayon sa aking sarili kung ihahambing sa mga nakaraan nating laban.
Ito?y sapagkat nasa puso natin ang Panginoong Diyos. Kung kasama natin ang Diyos walang sinumang makakagapi sa atin.
Ito po ang pangako ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng Bibliya.
?Wag po nating kalimutan ang tunggalian sa pagitan ng paslit na si David at ng higanteng si Goliath.
Kasama ni David ang Panginoon kung kaya?t walang kahirap-hirap na napagtagumpayan niya ang labang iyon. It was a mismatch, a lopsided fight.
Ngunit walang imposible sa Panginoong Diyos.
Batid ko na gaano man katibay ang ating paniniwala sa Diyos kailangan pa ring sabayan ng ibayong sipag at tiyaga. Ayon nga sa kasabihan, ?Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.?
Kaya naman sinusuong natin ang ibayong hirap at tinitiis ang matinding sakit ng katawan dulot ng umaga?t hapong pagsasanay upang makamit muli ang tagumpay at karangalan para sa ating bansa.
Pag-big sa Diyos, sa bansa at ating kapwa ? ito ang mahigpit na bilin sa atin ng Panginoon.
Kung sinusunod natin ang tagubiling ito, naniniwala akong magiging payapa at maunlad ang ating buhay.
Sa aking muling pakikipagsapalaran sa ibabaw ng ring, inspirasyon ko ang Panginoon, ang aking mahal na pamilya at kayo, aking mga kababayan.
Kung ganito katibay ang sinasandalan ng isang mandirigma, sino pa ang makakagapi sa kanya?
Hindi ko minamaliit ang kakayahan ng aking kalaban. Isa siyang magaling na boksingero.
Subalit, ang pakikipaglaban sa mga boksingerong higit na mas malaki at mas malakas sa akin ay hindi na bago para sa akin.
Di hamak na mas malakas at mas magaling ang dating mga nakalaban ko sa ibabaw ng ring tulad ni Oscar Dela Hoya at Antonio Margarito.
Ang naging karanasan ko laban sa kanila ang magiging gabay ko tungo sa hinahangad na tagumpay na maidepensang muli ang aking korona.
Sa araw ng laban, hinihiling ko na sabayan po ninyo ng taimtim na dasal na sanay mapagtagumpayan ko ang hamong ito at maging ligtas sa kapahamakan ang inyong abang lingkod pati na rin ang aking kalaban.
Sana po panoorin at suportahan ninyo akong muli. Hangad kong mabigyan kayo ng kasiyahan sa araw ng aking laban.
Foto: Nag-ensayo si Pacquiao sa gym ng Venetial Hotel sa Macau Hwebes ng hapon, apat na araw bago ang laban nya kay Chris Algieri ng Amerika. Kuha ni Dong Secuya.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
Fri, 12 Dec 2025MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
Fri, 12 Dec 2025Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
Fri, 12 Dec 2025Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
Fri, 12 Dec 2025